Media Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Ted Failon (DZMM – Failon Ngayon)

FAILON: Sino ho ba ang naatasan ngayon na manguna po para po dito sa—anong tawag dito ho, sa lupon na mangunguna po para sa information campaign?

SEC. ANDANAR: Ito po iyong tinatawag na ‘Pederalismo Campaign,’ Manong Ted. At sa communications campaign, dalawa po iyan, dalawang department. Unang-una, iyong DILG. Sila po iyong in charge doon sa paggawa ng content, sa pag-approve kung ano po iyong main message talaga, ano iyong branding ng pederalismo.

At ang pangalawa po diyan ay ang PCOO. In charge po ang PCOO sa pag-distribute, Manong Ted, ng mga contents na gagawin po ng DILG.

Pagdating po doon sa pagpili ng mga spokespersons, Manong Ted, ang in charge rin po dito ay iyong interagency naman – iyong DILG, Office of the Executive Secretary, nandiyan din po ang PCOO, and of course, iyong mga matitira doon sa Constitutional Commission delegates na gusto pong ituloy iyong kanilang kampaniya sa federalism sa pamamagitan po ng communications.

Kasi alam po natin, Manong Ted, na ngayong buwan din po mag-e-expire iyong contract po ng ConCom.

FAILON: Okay. Iyon pong kaukulang budget para dito, kasi alam ninyo ho, itong lahat ng ito ay may gastos eh. Mayroon na ho ba itong appropriation, sir?

SEC. ANDANAR: Mayroon pong 10 million pesos pagdating po sa communications. Manong Ted, ito po iyong ida-download ng DILG sa PCOO. Magpipirmahan pa po ng memorandum of agreement, number one. At of course, alam po natin na hindi po sapat ang sampung milyong piso, Manong Ted, for the entire Philippines kaya kakausapin din po natin ang mga partners natin sa media, ang KBP. Siguro gagamitin natin iyong ilang minute na available para sa government communications or public service announcement para po … iyon pong binibigay dapat ng mga private networks sa gobyerno.

FAILON: Okay. Kasi nga po, actually, ako, I think ‘no even ANC, ngayon pa lang po ay simula na po ng pagbibigay ng space sa kanila pong mga programa doon para sa resource persons na magpapaliwanag ho tungkol dito sa binuo ng ConCom nga na draft constitution. And of course, itong ating programa din sa DZMM ay bukas po para nga sa malawak po ng information dissemination para po tayo makatulong.

Pero, sir, tanong lang po namin: Kasi po itong draft na isinumite po ng ConCom sa Kongreso, draft lang ito and dadaan pa ho ito sa pagrebisa pa rin po ng mga miyembro ng Kongreso. Kung kayo po ay mag-i-information dissemination, ano ang laman nito basically po na impormasyon about federalism?

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa tanong, Manong Ted. Unang-una, iyon pong draft constitution na ginawa ng ConCom, iyon po iyong pangunahing ipu-promote po natin. But of course, number two, kailangan po nating buksan ang ating linya for different suggestions from the civil society at iba’t ibang mga interest groups din.

Alam po natin, nabanggit ninyo po, Manong Ted, na magkakaroon pa ng deliberation sa Lower House at sa Upper House. Magkakaroon pa rin po ng debate – mababawasan, madadagdagan. So open po naman ang ating interagency sa mga ganyang suhestiyon. In fact, iyon din po ang binanggit ni Dean Aquino na hindi pa naman pinal ito; this is only a draft federal constitution.

Ngayon po, salamat po Manong Ted doon sa sinabi ninyo na nagsimula na po iyong ANC, at iyong inyong programa – DZMM. Makakarating po sa ating mahal na Pangulo.

FAILON: Yes, sir. Sir, so ito pong mga spokesperson ninyo, kasama ho ba din dito iyong pag-ikot po sa buong bansa by way of fora, mga ilan pong mga pagpupulong sa eskuwelahan, sa mga barangay para ho talagang umabot ho sa pinakasulok ho ng grassroots level, ika nga po, ng atin pong demokrasya?

SEC. ANDANAR: Tama po. Gagamitin natin ang network ng DILG, ng Commission on Higher Education, nandiyan din po ang Philippine Information Agency, at iba’t ibang mga national government agencies na talagang makakatulong para makarating po doon sa iba’t ibang sulok po, sa kasuluk-sulukang mga purok po sa ating bansa. Of course, ang ating mga partner media groups, private groups ay talagang malaki po talaga ang maitutulong sa atin, Manong Ted.

And let me just take this, na sa ngayon wala pa hong official spokesperson na na-assign ng interagency. At the interagency will decide, and we will release also a statement kung sino po iyong mga official spokespersons ng ating communications campaign.

We also encourage na magkaroon po tayo ng mga talking heads sa iba’t ibang rehiyon, sa probinsiya, iyong mga influencers po sa mga lugar nila, as long as kailangang mapag-aralan po itong draft constitution, and of course, dumaan po sa trainor’s training. Iyon po ang gagawin natin.

FAILON: Opo. Kasi nga po sa bawat region nga sana kung mas maganda, sa vernacular ano ho.

SEC. ANDANAR: Tama po kayo.

FAILON: Kasi kung sa ingles po idadaan ito ng ating mga spokesperson, baka nga po hindi po ganoon po kainterasado ang ating mga kababayan po, Secretary.

SEC. ANDANAR: Tama po kayo, Manong Ted. Of course, kung taga-isang rehiyon po iyong magsasalita, mas alam ninya po iyong mga issues sa lugar na ito. Because ako, personally,  I would like to campaign based on local issues; ano ba ang kahalagahan ng federalism sa isang lokalidad. Iba’t iba po ang mga challenges kada lugar. So very important din po na kailangan taga-doon iyong tao para makapagmungkahi rin siya ng mga polisiya na para matulungan iyong kanilang lugar.

FAILON: Opo. And we also have to really expect ‘no na bagama’t ito po ang ipinu-push ng gobyerno, you expect opposition. Mayroon din pong mga mag-iikot na kukontra po naman dito – bahagi po ng demokrasya iyan ano – ilang mga grupo rin po na tutol nga dito po sa pag-shift natin sa ganitong porma.

SEC. ANDANAR: Mas maganda po iyon, Manong Ted, na mayroon pong public discussion, debate para talagang magkakaalaman kung talaga itong federalism ay kailangan ng taumbayan o hindi. Sapagka’t kung mayroon po tayong isang debate, we will also be up in our toes, kami sa administrasyon and those who believe in federalism, kung ano ang dapat atake pagdating sa communication.  At malalaman din natin kung anong kakulangan doon sa isinulat po na draft constitution.

FAILON: All right. Sir, ito lang po ‘no, mamaya po ay kakausapin ko si Senator Kiko Pangilinan, siya po iyong chairman doon sa Mataas na Kapulungan ng Constitutional Amendment Committee. Hindi ho ba mas maganda rin kung masintensiyahan na ito nang mas maaga? Kasi at the end of the day, baka lang ho magsayang tayo ng resources at oras, ang inyong focus din, kung sa bandang huli ay hindi naman po ito papasa sa ConAss? What do you think?

SEC. ANDANAR: Tama po kayo, Manong Ted. Habang mainit pa po iyong debate at—kasi alam po natin, sa bansa natin, sa pulitika ng ating bansa, kapag lumampas po ng 2019 ay halos lahat po ng mga political actors ay nakatingin na po doon sa parating na—

FAILON: Presidential election.

SEC. ANDANAR: Opo, kung sino po iyong talagang magiging presidentiables. So sa palagay ko, kailangan po ito ay mabalangkas nang husto. At sana, by 2019, after the elections or during the elections, ito po ay mapag-usapan. Kung puwede pong mapagbotohan na sa 2019 sa Mayo ay mas maganda. Pero kung hindi naman, sana within 2019 ay talagang matapos na iyong debate dito.

FAILON: Sige po. So keep us posted po ‘no. Bukas po ang aming linya po dito, Secretary, ano man po ang ating maitutulong ho para ho sa malaya pong talakayan nito. Tama po kayo, let the debate begin ‘no.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Manong Ted. Mabuhay po kayo. Mabuhay po ang DZMM. Mabuhay po ang ABS-CBN. Thank you po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource