Media Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by ( Milky Rigonan – One on One, DZRH )

RIGONAN: Sec. Martin, magandang hapon.

SEC. ANDANAR: Magandang hapon, Milky. Magandang hapon sa lahat ng nakikinig po sa inyong programa, dito sa DZRH.

RIGONAN: Alam kong pagod kana sa kaka-explain tungkol dito sa isyu ng federalism, iyong nag-viral na video ni Asec. Mocha Uson. Ano na po ba ang posisyon dito ng Malacañang? May desisyon na po ba ang Palasyo?

SEC. ANDANAR: Ang napag-usapan po namin kanina ay consistent po sa napag-usapan namin ng Tuesday na ang mga official, Spokespersons or talking heads for federalism, we’ll go through the vetting process or selection committee ng interagency ng federalism. Ito po iyong DILG, PCOO, nandiyan din po iyong Office of the Executive Secretary, at dito pag-uusapan kung sino talaga iyong dapat maging Spokesperson. At sinabi naman kahapon ni Executive Secretary Bingbong Medialdea na mahalaga ho talaga ay iyong dalubhasa doon sa topic or iyong malalim ang kaalaman doon sa isyu ng federalism, ang dapat paikutin sa buong bansa para ipaliwanag po itong federalism. Now, doon sa isyu po kay Asec. Mocha—

RIGONAN: Teka muna, Secretary Andanar, so malinaw na hindi siya iyong lead Spokesperson on the campaign for federalism, si Asec. Mocha?

SEC. ANDANAR: Hindi po, mayroon po tayong mga commissioners doon sa ConCom na puwede po nating i-tap na may expertise na sila po ang umikot sa buong Pilipinas, nandiyan po si former Chief Justice Puno, nandiyan po si former Senate President Pimentel, sila Dean Aquino, nandiyan po sila, marami po ang gustong tumulong para maging talking head or maging taga pagpaliwanag po ng federalism. Iyong isyu po naman kay Asec. Mocha, is just between her at Ding  Generoso noong appointed Spokesperson po ng Con-Com.

RIGONAN: Iyon iyong kasama niya doon sa viral video iyong nagsayaw ng …pano ba iyong sabi noon? Pepe, dede, -ralismo iyong parang ganoon, Secretary Martin, siya ba iyong nandoon sa video?

SEC. ANDANAR: Iyong blogger iyong nandoon eh.

RIGONAN: Ah iyong blogger?

SEC. ANDANAR: Iyong kaibigan yata ni Mocha iyon, iyon po, hindi pa po kasi kami nagmi-meet at mayroon po silang game show, I understand at doon sa isa sa mga Facebook pages na kung saan ginagamit nila for the live stream at doon po sila, pinag-uusapan nila iyong federalism, pinag-uusapan nila iyong mga issues tungkol sa federalism and iyon po iyong time na sumayaw po iyong kasama po ni Mocha.   This was done in   Facebook page na hindi po official government, official ng PCOO, obviously sila ni Asec. Mocha po ang gumawa nito. And iyong kasama niya at wala pong kinalaman ang PCOO dito, hindi po ito official PCOO, ang jingle na ito.

RIGONAN: Mabuti nililinaw mo iyan, Sec. Martin ano dahil lahat ho ng batikos, lahat ng sisi ay ibinabato po sa Presidential Communications Operations Office, na inyo pong tanggapan. So ito po ay kumbaga ay ginawa ni Mocha na siya lang ho at walang pahintulot ng PCOO?

SEC. ANDANAR: Opo, tama po iyan.  At iyan naman ay inamin din ni Mocha sa kaniyang Facebook page, today  nagsalita siya, doon naman sinabi niya na she did this with her friend na hindi po kasama iyong PCOO, on their own. And like what I said, hindi po opisyal iyong mga sinasabi noong mga advocates ng federalism. Hindi po ito official government stand unless sila po ay talagang official na pinagsasalita ng federalism as approved by the interagency na maggagawa po ng kampanya para sa federalism, communications campaign po.

RIGONAN: Sec. Martin, could we take it to mean na wala na po talagang papel si Asec. Mocha Uson pagdating sa kampanya sa federalism?

SEC. ANDANAR: You know, si Asec. Mocha has her right to express herself __ speech and she’s an advocate of federalism. She can do so on her own, pero again let me reiterate na iyong mga opisyal po na taga pagsalita ng federalism will come from interagency. So we will announce the official Spokesperson soon once na napag-usapan po namin. Sa ngayon kasi nandito kami sa planning stage ng communications campaign, creating strategies para po sa federalism, para po ito ay matanggap ng taong bayan.

RIGONAN: At bukod ho doon sa magiging talking heads on federalism na magmumula po sa DILG, PCOO, Office of the Executive Secretary, mayroon po ba kayong naiisip na personality halimbawa na puwedeng maging imahe halimbawa tungkol dito sa federalism na kapag nag-ikot sa buong bansa alam niya na ang mensahe ng taong ito ay tungkol sa federalism?

SEC. ANDANAR:  Napag-usapan din po iyan during the meeting last Tuesday, mayroon po tayong puwedeng i-tap na mga personalities, meron tayong national—personality or local personality, sometimes it’s more effective to get the local personality of specific province  than getting national one. Importante po iyong impluwensiya ng isang tao at also, … iyong mga kukunin nating taga pagsalita, they must go through the training na gagawin po ng Con-Com para sa mga trainors para mas talagang maintindihan po nila ng husto ang konsepto ng federalism na ginawa po ng Con-Com.

RIGONAN: Pakilinaw, Sec. Martin ano, magkano ba talaga ang pondo? Kasi mayroong sinasabi na, ‘DILG allotted 90 million for the federalism caravan pero ang sabi naman ng PCOO, ang gagamitin lang na pondo dito ay sampung milyon?

SEC. ANDANAR: Opo, the budget is 80 to 90 million, I understand na mayroong portion dito na nagastos na ng DILG during the Con-Com campaign when they went around the country. But iyong pondo po na mapupunta sa PCOO is 10 million out of that 80 to 90 million. So ito po iyong seed money na ibibigay po sa PCOO para po ma-implement iyong mga strategy ng each agency as far is communications is concerned.

RIGONAN: So 10 million ang mapupunta sa PCOO. Sec. Martin, mayroong statement ngayon si Senator Grace Poe na ang sabi niya iyong mga government agencies, ang laki ng slash sa budget for 2019 and yet ang PCOO, humihingi ng additional 100 million pesos. Ano po ang explanation po ninyo?

SEC. ANDANAR:  Hello?

RIGONAN: Yes, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Actually, mayroon ng sinubmit si budget Secretary Diokno na national budget, it’s the President’s budget, at kung ano man iyong in-approve na budget ng DBM doon at pinirmahan ni Presidente, I think it’s 1.4  billion. We are not asking for more.  We respect the budget of the President at kami naman ay handa na depensahan iyong budget sa Lower House at sa Upper House. I understand na iyong increase po ng budget ng entire PCOO is 30 million pesos from last year.

RIGONAN: So 30 million at handa ninyo pong idepensa ito sa budget hearing?

SEC. ANDANAR: Opo, opo. Walang problema, nandoon naman iyong—

RIGONAN: Sa kabila daw ng ano—

SEC. ANDANAR:  Nandoon naman ang PTV, at nandoon naman ang PBS, nandoon naman iyong PIA. Lahat po ng ahensiya sa ilalim ng PCOO. Itong 1.4 Billion na budget  po, gusto ko pong linawin na hindi po ito lahat PCOO proper. Ito po ay paghahati-hatian po ng mga ahensiya ng PCOO including PCOO proper. PCOO proper would be somewhere between 260 million to 270, iyon po ang budget ng PCOO.

RIGONAN: Iyon iyong kabuuan doon as budget, iyan lang ang mapupunta sa PCOO?

SEC. ANDANAR: Opo.

RIGONAN:  Sec. Martin, pakikuwentuhan nga. Talagang nagalit kaninang umaga   si Executive Secretary Medialdea matapos iyong mga reaksiyon doon sa viral video ni Asec. Mocha Uson?

SEC. ANDANAR: Noon Friday po ay tinawagan ako ni ES, ni Boss ES at sinabi niya na dapat kakausapin niya si Ding Generoso sapagkat wala ngang approval iyong interagency, kasama po kasi iyong ES sa interagency, walang approval na kung sino iyong mga gagawing Spokespersons. So nagulat nga siya na iyong umiikot noong time na iyon noong time na iyon si Mocha iyong Spokesperson o tinap ni Ding Generoso. So nagkausap sila and then after that doon yata lumabas iyong video the next day, kaya medyo nadismaya po.

RIGONAN: Nadismaya si ES. Naku, Secretary Martin, ang dami pa ring nadidismaya. Sabi nga ho ng mga Senador, binaboy iyong idea ng kampanya sa federalism. Galit na galit si Senator Koko Pimentel at ilan pa hong mga advocate ng federal system. Baka nasa inyo pa ang pagkakataon ulit na magpaliwanag at ito nga po ay gusto ring i-correct ng Malacañang na hindi naman daw po kumbaga ay opisyal na kumakatawan si Asec. Mocha Uson sa kampanya on federalism.

SEC. ANDANAR: Salamat, Milky. Gusto ko lang po ulitin at liwanagin na ang official communications campaign ng interagency, ng federalism ay hindi pa po nagsisimula.  We are still on the stage of analyzing the plans, aaprubahan pa po iyong mga strategies na gagawin po natin para maipaliwanag sa taong bayan ang federalism, ang concept po nito, concept po ng Charter change. So wala pong dapat ikabahala ang ating mga kababayan dahil lahat po ng magiging Spokesperson po ng federalism will go through the interagency. Kami po ang mag-a-approve nito and in time we will announce kung sino po iyong mga opisyal na taga pagsalita po ng federalism. Maraming salamat po, mabuhay po kayo, Milky. At mabuhay po ang DZRH.

RIGONAN: Ano po ang topic sa Cabinet meeting ngayon, Sec. Martin?

SEC. ANDANAR: Hindi ko masyadong nakita lahat pero mayroon pong presentation ang TESDA. Pero babalitaan ko po kayo after po ng Cabinet meeting.

RIGONAN: At makasaysayan din ang paglagda ng Pangulo sa Bangsamoro Organic Law at iyong national ID.

SEC. ANDANAR: Opo, tama po kayo, nagkaroon po ng presentation doon sa Bangsamoro Organic Law and iyong national ID ay napirmahan na po so the task now is to implement those two laws. And alam naman natin na iyong national ID ay para po ito sa mga kababayan natin para mapadali iyong lahat po ng social services.

RIGONAN:  Government transaction.

SEC. ANDANAR: Especially para sa mga kababayan po nating mahihirap.

RIGONAN: Hindi ka na namin aabalahin, Sec. Martin, baka mag-start na iyong Cabinet meeting. Magandang hapon sa iyo.

SEC. ANDANAR: Magandang hapon po. Thank you po.

 

###

 

Resource