Media Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Joel Zobel (Bangon Na Bayan – DZBB)

JOEL:  Nasa linya natin si Secretary Harry Roque. Secretary, magandang hapon – si Joel Zobel, live ka sa DZBB.

SEC. ROQUE:  Yes Joel magandang hapon, at magandang hapon sa mga nanonood at nakikinig sa atin ngayon.

JOEL:  Good news ba ito? Ano bang pinakabago dito sa atas ni Presidente sa inyo?

SEC. ROQUE:  Well sa akin po, personal na karanasan ko eh tumaas ang balahibo ko doon sa pag-uusap namin sa PCEC ‘no dahil nagtapos po kami na ang PCEC ay nangako ng pagdarasal sa ating Pangulo – lalo nga raw iyong mga paghilom ng mga sugat na pinagmumulan ng mga maanghang na salita ng ating Presidente – dapat din po, ang Simbahang Katolika. At ang nakakataas-balahibo eh kung… sabi nila bagama’t hindi kami iyong simbahan na nagbigay ng sugat kay Presidente ay nais nilang gumawa ng mga hakbang para sila na ang magsimula nga ng proseso ng paghihilom.

At magkakaroon po ng regular na dayalogo na nga; nalaman ko po na mayroon pa palang mekanismo na sinimulan ang dating Presidente Cory Aquino na nagtayo ng Ecumenical Council Consultative Committee ‘no, na pormal na mekanismo para magkaroon ng patuloy na dayalogo sa parte po ng simbahan at ng ating gobyerno.

JOEL:  Ang sinasabi ninyo Secretary, ang PCEC mismo ang nagsabi na tutulong sila to hold dialogues sa iba pang mga religious organization, iyon ba ang sinasabi ninyo?

SEC. ROQUE:  Well, nag-offer din po sila na dahil mayroon naman din daw silang mga interaction with the Roman Catholic Church, gagawin nila ang kaya nilang gawin ‘no, para mapaghilom iyong mga sugat na pinagmumulan nitong maaanghang na salita. Pero naintindihan po namin ang deklarasyon ng PCEC, tapos sila pa nga ang pinakaunang nag-issue ng statement na kailangan naman nilang magsalita dahil iyong kuwento ng Genesis ay iyan naman po ay kuwento ng lahat ng pananampalataya at hindi lang sa Simbahang Katolika na tinatanggap naman natin ‘no.

At ang nakaka—iyon nga po ‘no, nakakabagbag-damdamin ay iyong willingness ng mga Evangelical Churches na sila na ang gumawa ng mga hakbang para magsimula iyong paghilom. Bagama’t inaantay po natin kung ano mangyayari naman sa pag-uusap sa panig naman ng Simbahang Katolika.

JOEL:  Oo. PCEC pa lang po ito, iyong Philippine Council for Evangelical Churches. Pero kailan mangyayari iyong pakikipagdayalogo po ninyo sa mga pinuno po ng Simbahang Katoliko?

SEC. ROQUE:  Well nakarating po sa akin ang impormasyon na ang Papal Nuncio daw po ay nais magbigay ng imbitasyon para kay Presidente na dumalo itong Biyernes sa isang—sa eve daw ‘no, sa bisperas ng Papal Day ‘no. At ipararating naman namin po itong imbitasyon na ito kay Presidente, bagaman at ako po mismo, hindi ko nakikita iyong imbitasyon kung mayroon ‘no. Pero ito daw po ay pinadala sa DFA, at sabi ko nga po kay Undersecretary Abella, paki-check na lang kung mayroong ganiyang imbitasyon talaga at ipararating naman namin po ito sa ating Presidente.

JOEL:  Uhum. So PCEC ang nauna, sino susunod ninyo na kakausapin?

SEC. ROQUE:  Well, we would have wanted po talaga na unahin ang Simbahang Katolika kaya nga lang po, mayroon silang pagpupulong na nagaganap ngayon, iyong liderato ng Simbahang Katolika sa Tagaytay ‘no. At—

JOEL:  Nagpahatid na ba kayo ng pagnanais na sila ay makadayalogo, na sabihan po sila?

SEC. ROQUE:   Opo at ang kasagutan nga po, mayroon silang mga nagaganap na pagpupulong ngayon sa Tagaytay ‘no. So ang kauna-unahang pagkakataon ay iyong imbitasyon na binigay ni Papal Nuncio kay Presidente para sa Biyernes nga ‘no. Pero hindi pa rin po malinaw kung nasaan talaga iyong imbitasyon na iyan.

JOEL:  Okay. So natapos na PCEC, susunod ninyo sana ang Simbahang Katoliko pero hindi ninyo pa alam kung kailan magkakaroon ng dayalogo dahil mayroon nga silang pagpupulong ngayon. I don’t know… on the part of Malacañang, nakausap ba ng mga pinuno kagaya ninyo, ng Gabinete ang Pangulo na baka pupuwedeng ceasefire muna, tama na muna iyong mga banggit tungkol po sa relihiyon? Kasi kahapon po, parang nagbanggit na naman si Presidente tungkol po diyan eh.

SEC. ROQUE:  Well iyong pagtatalaga po niya ng miyembro ng komite eh matapos po iyong pagpupulong sa Cagayan De Oro ‘no. So inaasahan naman po natin na since mayroong dayalogo, eh huwag na natin tawaging ceasefire o hindi, sabihin na lang natin na dahil nga may proseso sa dayalogo, gusto ni Presidente rin na makipag-usap, makipag-ugnayan sa lahat po ng mga [choppy line].

JOEL:  Okay. Sige po… Anong panawagan ng Malacañang sa ating mga kababayan ngayon?

SEC. ROQUE:  Well…

JOEL:  Secretary? Naputol. Secretary Roque mga Kapuso, tawagan natin ulit.

**[INTERVIEW WITH SEC. ROQUE DID NOT RESUME]

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource